duterte-37th
By

Sahod ng mga guro itataas, pero hindi doble – Duterte

Sharing is caring!

Pinasaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pampublikong guro sa bansa matapos ihayag na dadagdagan ang sahod ng mga ito.

Sa kanyang pagsasalita sa 37th Philippine Principals Training and Development Program and National Board Conference sa Davao City, sinabi ng Pangulo na isusunod na niya ang pagdaragdag sa sahod ng mga ito.

Gayunman, hindi aniya katulad ito ng ibinigay sa mga sundalo at pulis na halos doble, dahil hindi kaya ng gobyerno.

Marami aniyang mga Filipinong dapat tulungan pero makakaasa ang mga guro na mararamdaman ang kanilang salary increase.

“You know, I will increase your salaries din. Pero ang inyo, kayo ang isunod ko pero hindi naman masyadong doblado, hindi talaga kaya. Hindi talaga kaya,” anang Pangulo.

Ang pang-apat at panghuling tranche ng Salary Standardization Law para sa lahat ng mga manggagawa sa gobyerno ay hindi pa naibibigay.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para kumita upang matugunan ang pangangailangan at dagdag-sahod ng lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

“And we’ve been trying to come up with a progressive ano — Ako I’m not blaming anybody but simply there are too many Filipinos. Ang resources natin wala. We have given up our prime lands to cash crop,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?