110
sahara-desert
Jan 11, 2018 @ 18:18

Sahara desert inulan ng snow

Umulan ng snow sa Ain Sefra, gilid na bahagi ng Sahara desert.

Ang pag-ulan ng niyebe ay bihira sa Sahara, kahit pa malamig dito sa gabi – dahil walang sapat na tubig dito para pagmulan ng ulan, lalo’t higit ng niyebe.

Natakpan ng 40 sentimetrong kapal ng niyebe o yelo ang mga bundok ng buhangin sa lugar.

Sa ulat ng BBC News, nagsimula ito noong Linggo kung saan nagkaroon ng tiyansa ang mga bata rito na magkarera pababa ng yelo.

Ito pa lang ang ikatlong beses sa loob ng 40 na taon na nagkaroon ng pag-ulan ng niyebe sa naturang lugar na kilala sa taguri na “The Gateway to the Desert”.

Pinakamababang -10.2C ang naitala sa Ain Sefra sa nagdaang taglamig.

Pebrero 18, 1979 unang nakitang may niyebe sa lugar na tumagal lang ng kalahating oras pero nakaapekto sa trapik sa lugar.

Ang Ain Sefra ay munisipalidad sa Naâma Province, Algeria at 1,000 meters above sea level na napapalibutan ng Atlas Mountains.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?