3,235

By

Sagot ni Mocha kay Sen. Nene: ‘Wag maliitin ang pagsasayaw ko’

Sharing is caring!

Sinagot ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang banat sa kanya ni dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. na bumalik na lamang ito sa pagsasayaw sa halip na makisawsaw sa isyu ng federalismo.

Sa text message ni Uson, sinabi nitong iginagalang niya ang opinyon ng dating Senate President.

Pero iginiit ni Uson na huwag sanang maliitin ng dating senador ang kanyang pagsasayaw dahil proud siya na isang dating entertainer.

Sinabi ng opisyal na sana ay pinanood muna ni Pimentel ang video bago nagkomento dahil hindi naman aniya siya ang sumayaw sa kontrobersiyal na video patungkol sa federalismo.

“Ginagalang ko po ang opinyon ni Sir Nene. Proud ako na ako’y dating entertainer. Pero sana ‘wag niyang nila “lang” ang pagsasayaw. At sana pinanuod muna niya ang video bago siya nagkomento dahil hindi naman ako ang sumayaw sa video ng Pederalismo,” ang pahayag ni Uson.

Matatandaang dalawang beses ng naging kontrobersiyal ang viral videos ni Uson patungkol sa Federalismo na naging dahilan para kasuhan ito sa Ombudsman at ipinasisibak sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?