102
views

By

Sagot ni Cardinal Tagle sa “stupid God” remark ni Duterte, malamya – Villarin

Sharing is caring!

Pinuna ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin ang aniyaý malamyang tugon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa “stupid God” remark ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtataka si Villarin kung paanong hindi nakikita ni Tagle ang buong larawan ng mga naging pahayag ng pangulo laban sa Diyos at sa simbahan, gayundin ang iba pang mga ginagawa nito tulad ng mga extrajudicial killings.

“How can Cardinal Tagle not see the ‘complete picture of the context’ of Duterte’s action when he has incessantly attack the Church, cursed the Pope, justified the killing of priests, killed the innocents in a deadly war against the poor?” ani Villarin.


“Cardinal Sin is sorely missed during these trying times when he led the flock to overthrow the Marcos dictatorship through a peaceful people power revolt,” dagdag ng kongresista.

Kaugnay nitoý sinabi ng mambabatas na hindi dapat mahulog ang simbahan sa patibong ni Digong sa plano nito na pakikipagdayalogo.


Sabi ni Villarin, sa halip na makipag-usap sa administrasyon ang dapat gawin ng simbahan ay manawagan sa mga mananampalataya na magkaisa para ipagtanggol ang kanilang paniniwala gayundin ang katarungan.


Hinimok din nito si Cardinal Tagle na pangunahan ang paghingi sa gobyerno na wakasan ang impunity at pangibabawin ang rule of law.


Iginiit ng mambabatas na hindi na ngayon ang panahon ng pag-aaral at reflection bagkus ang dapat anyang gawin ng bawat isa ay kumilos para maprotektahan ang pagkawasak ng institusyon.
()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?