25

Sep 19, 2021 @ 18:49
By

Saglit sa langit? Heaven sinimot bakas ni Kiko sa IG

Mukhang walang eternity – o kahit pa forever – sa lovelife ngayon ni Heaven Peralejo.

Lalong umugong ang ingay na hiwalay na sila ng kasintahang si Kiko Estrada matapos burahin ng young actress ang mga larawan nila ni Kiko sa kanyang Instagram account.

Bukod dito, mukhang naka-unfollow na rin si Kiko sa kanya.

Ilang linggo lamang ang nakalipas ay si Kiko ang unang bumura sa mga larawan nila ni Heaven sa kanyang Instagram account at nag-unfollow na rin.

Ngunit noong Agosto lamang nila ibinunyag ang kanilang relasyon.

Matatandaang naipit pa si Heaven sa naging hiwalayan ni Kiko at ng naging kasintahan nitong si Devon Seron. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?