59

By

‘Sagip Batang Solvent’ ilulunsad ng PDEA

Nakatakda umanong maglunsad ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng isang proyekto para sagipin ang mga batang lansangan na naaadik sa pagsinghot ng solvent.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, layon ng “Sagip Batang Solvent” na i-rescue ang mga batang sangkot sa illegal drug activities at mabigyan sila ng masisilungan para maging maayos na mamamayan.

“Just go around the thoroughfares of metropolis and you see children sniffing inhalants like a normal display of feat,” ani Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?