26

Jun 1, 2020 @ 15:42
By

Sagasa ng corona: Honda-Isuzu kakandaduhan ang 5 dealership

Isasara ng pamilya Yuchengco ang lima sa dealership ng Honda at Isuzu dahil sa pagtamlay ng sales sa mga automobile dahil sa COVID-19 pandemic.

Simula bukas, June 2, 2020, hindi na mag-ooperate ang mga branch ng:

1) Honda Fairview
2) Honda Marikina
3) Honda Marcos Highway
4) Isuzu Greenhills
5) Honda Kalookan (sa ilalim ng majority-owned Honda Cars Kalookan, Inc.)

Sa liham sa Philippine Stock Exchange, pinaliwanag ni HI vice president for finance Esperanza Joven ang desisyon sa pagsasara ng kalahati ng kanilang dealership dahil sa epekto ng health crisis sa bansa.

“The company conducted a careful and thorough assessment of its car business organization, dealerships and the needed manpower, machines, and process. Pursuant to such assessment, the company has decided to implement business measures that will ensure over-all greater efficiency, particularly the closure of car dealerships and the implementation of a redundancy program,” ayon kay Joven.

Ang iba pang dealership ng Honda ay nasa Quezon Avenue at Manila, habang nasa Manila, Commonwealth at Leyte naman ang ibang branch ng Isuzu.

Inaasahan ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc (CAMPI) na babagsak ng 20 percent ang sales sa mga sasakyan dahil sa recession na dulot ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?