47

Sagada sunrise viewing spot, pinagbawalang puntahan

Sharing is caring!

Naglabas na ng pahayag ang municipal government ng Sagada hingil sa nangyaring sunog noong Huwebes ng gabi, “Due to the fire incident in Kiltepan last night, all tours to Kiltepan Peak are temporarily prohibited until further notice. Please visit the Tourist Information Office for other options for sunrise viewing.”

Maalalang nagsimula ang apoy sa dalawang building malapit sa pinupuntahan ng mga turista para mapanuod ang Kiltepan sunrise. Ang dalawang establishimento – residential cottage at isang restaurant- ay pagmamay-ari ng contractor Wilson Capuyan na noo’y walang lamang tao maliban sa namamahala.

Ayon sa Sagada police, nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa direksyon ng Sitio Batalao, Antadao village sa pagitan ng 8:30 at 9 pm. At sinasabi ring tumunog ang bell sa St. Mary’s.

Sa pahayag naman ng isang residente, “Eleven unused explosives were found in the vicinity of one of the razed buildings and a heavy smell of gasoline at another unburned cottage.”

Natagpuan sa cottage ang isang basong puno ng gasolina. Tinatayang 5 milyon piso ang halaga ng napinsala sa sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?