7

Aug 10, 2020 @ 11:29
By

Sagada frontliner tinamaan ng COVID-19

Nakapagtala sa unang pagkakataon ang Sagada, Mountain Province ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Mountain Province Disaster Risk Reduction and Management Office (MPDRRMO), isang 29-anyos na frontliner ang nagpositibo sa COVID-19 pero wala umano itong travel history sa labas ng kanilang probinsya.

Sinabi ng MPDRRMO, ang nasabing pasyente ay asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19.

Sa ngayon, ayon sa local government unit ng Sagada, nasa isolation area na ang nasabing pasyente at nagsasagawa na sila ng contract tracing para sa mga nakasalamuha nito.

Nabatid na mayroon nang siyam na kumpirmadong kaso ng COVID-19 infection sa Mountain Province at apat ang nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?