21
ABANTE sag awards women 2018
Jan 22, 2018 @ 12:20

SAG Awards 2018, sumentro sa women empowerment

Naging selebrasyon para sa mga kababaihan ang naganap na Screen Actors Guild (SAG) Awards sa Los Angeles.

Nagsilbing unang host ng ika-24 taunang awards show si Kristen Bell na kinabibilangan din ng ilang presenters na puro babae.

Bilang suporta ito sa mga kababaihan kasabay ng paglutang ng mga Hollywood actress na nakaranas ng sexual harassment at sexual assault nitong nakalipas na mga buwan.

Hindi naman ito pinabulaanan ni SAG Awards executive producer Kathy Connell kung saan sinabi niyang dinesenyo ang awards night bilang suporta sa mga kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?