142

May 31, 2019 @ 20:09
By

Safe Spaces law tagumpay kontra mga bastos – Hontiveros

Pinapurihan ni Senadora Risa Hontiveros ang pagsasabatas sa “Safe Streets and Public Spaces Act”.

Aniya, magandang balita umano ito dahil mapapatawan na ng parusa ang catcalling o pagtawag nang may kahalayan, paninipol, malaswang pagtitig, paulit-ulit na panghihingi ng pangalan at cellphone number at iba pang uri ng street harassment laban sa kababaihan at mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community.

“Good news, mga mahal! BATAS NA: Safe Streets & Public Spaces Act (our 12th law) will protect everyone, especially women & LGBT, from sexual harassment in the streets, schools & workplaces. This law is a landmark victory against bastos culture. Goodbye, catcallers!” tweet ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?