32

Apr 18, 2020 @ 10:52
By

Safe ang PICC, Roxas Blvd! Ari-arian ng gobyerno, hindi ibebenta sa COVID crisis – Dominguez

Duda si Finance Secretary Carlos Dominguez na hahantong sa pagbebenta ng government assets ang problema sa coronavirus disease 2019.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibebenta niya ang Philippine International Convention Center (PICC) at ang Roxas Boulevard sakaling maubusan ng pondo ang gobyerno para ipantulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng krisis sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Dominguez, bago dumating ang krisis sa COVID ay maganda ang kalagayang pampinansiyal ng gobyerno dahil sa mga polisiyang ipinatupad ng administrasyon.

“I dont think so. Alam ho niyo, pagpasok natin dito sa COVID emergency, we were in a very good financial position because of the policies of President Duterte,” ani Dominguez.

Napataas aniya ang koleksiyon sa buwis at hindi waldas ang gobyerno sa kinikita kaya humanga ang iba’t ibang financial institutions sa bansa kaya gumanda ang credit rating ng Pilipinas.

“He increased our revenues, he spent money very wisely and because of that tumaas yung credit rating natin at yung reputation natin as a good borrower is very, very high. It’s the highest ever achieved by the Filipino people. We are now BBB+. Ang next step ay nasa A na tayo,” ani Dominguez.

Maganda aniya ang ipinakita ng Duterte administrasyon sa aspeto ng ekonomiya at maayos ang posisyon ng bansa sa kabila ng pagsubok na kinakaharap ngayon ng sambayanan.

Sinabi ni Dominguez na ang magiging worst scenario ay magbenta ng ilang ari-arian ng gobyerno subalit hindi pa kailangan sa ngayon, at hindi siya naniniwalang mangyayari ito kahit sa mga susunod na araw.

“The worst possible possible scenario that maybe at some point, may have to sell some assets, but at this point that’s not yet necessary. And frankly, I don’t think that will be necessary na we have parang fire sale. I don’t believe that will ever happen,” wika ni Dominguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?