24

Safe ang mga dokumento ng Comelec – Jimenez

Sharing is caring!

Lalayas na ang Commission on Elections (Comelec) sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila kung saan tiniyak nitong iingatan ang mga dokumentong kanilang hawak.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na walang dapat ikabahala ang mga partidong may election protest sa kanilang paglipat ng bagong tanggapan.

Ito’y reaksiyon ng tagapagsalita sa pangamba ng ilang election lawyers na mawalan ng tanggapan ang Comelec, na nasa ilalim ngayon ng pangangasiwa ni chairman Sheriff Abas.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Jimenez na pag-iingatan ng Comelec ang lahat ng requirements na nasa pangangalaga ng poll body.

Napadalhan na rin nila ng due notice ang mga partido ukol dito.

Taong 2007 nang mag-opisina ang Comelec sa Palacio del Gobernador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?