94

Oct 23, 2017 @ 13:12

SAF sa Marawi, ililibre ni Bato

Uuwi na sa araw ng Miyerkules ang mga pulis na itinalagang tumulong sa militar para makipagbakbakan sa mga miyembro Maute terror group sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang main unit na tumulong sa giyera sa Marawi na babalik na sa kanilang kampo sa Taguig City.

Sa kasalukuyan, wala raw direktiba ang Pangulo na ililibre rin ng Trip to Hong Kong ang SAF members gaya ng ipinangako sa mga babaeng sundalo at pulis na tumulong sa giyera sa Marawi.

Kayan naman nagboluntaryo na si Dela Rosa na ililibre na lamang niya ng bulalo ang SAF members sa Tagaytay  City.

Siniguro naman ni Dela Rosa na maraming pulis ang mabibigyan ng parangal dahil sa kanilang kabayanihan sa nangyaring giyera sa Marawi City.

Ang pagbibigay aniya ng parangal sa mga ito’y base sa mga naging pahayag ng ground commander ng militar.

Isa sa tiyak nang mabibigyan ng parangal ay si Sr. Supt. Rolando Anduyan, deputy regional director for operations ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?