229

Nov 5, 2017 @ 19:34

SAF commando, nagoyo sa awto

Kotse na naging bato pa.

Nanlumo ang isang tauhan ng PNP Special Action Force nang maglaho na parang bula ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bagong kotse.

Base sa ulat ng pulisya, ala 1:30 ng hapon ng Biyernes nang magtungo si PO2 John Paul Lim sa Isuzu Alabang sa Muntinlupa City para bumili ng bagong Isuzu MUX, isang sports utility vehicle.

Aniya, sinalubong siya ng isang lesbian na nagpakilalang Abel Medina at isang hindi nakilalang babae.

Sinabi ng dalawa na mga ahente sila ng Isuzu kaya’t pinagkatiwalaan sila ni Lim at ibinigay ang bitbit na P188,000 bilang downpayment sa pangarap na SUV.

Nagpaalam ang dalawang suspek na magtutungo lang sa comfort room.

Ngunit nainip na si Lim sa paghihintay at kasunod nito ay nalaman niya na lumabas na ang dalawang suspek sa service area.

Dagdag pa ni Lim hawak ng dalawa ang mahahalaga niyang mga dokumento. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?