22
views
saf-44
By

SAF 44 ginawaran ng Palasyo ng ‘Medalya ng Kagitingan’

Sharing is caring!

Makalipas ang tatlong taon ay naibigay na rin ang inaasam na parangal ng pamilya ng mga napatay na 44 miyembrong Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF).

Sa simpleng seremonya sa Malacañang ay iginawad ang posthumous award Medalya ng Kagitingan sa SAF 44.

Inaprubahan ng Pangulo noong February 2017 ang pagbibigay parangal sa 42 SAF Commando.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na batid niyang “late” o huli na ang parangal pero mas maigi na ito kaysa wala.

Kinikilala aniya ng gobyerno ang ipinakitang katapangan ng SAF 44 at ibinuwis ang buhay para makamit ang misyon sa Mamasapano, Maguindanao.

” It comes late, but better late than never. Im not attributing anything to anybody except that I am happy that we were able to recognize today the bravery of our police officers.

Today we pay tribute to the gallant troopers of Special Action Force who gave their lives in Mamasapano a few years ago. Their extra ordinary display of bravery during the fateful operation does not just qualify them to receive their highly coveted decoration, it makes them worthy to be called as heroes,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na ang karumal-dumal na pagkamatay ng SAF 44 sa kamay ng mga kalaban ang isa sa pinakamadilim at pinakamalungkot na bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Pero sa kabila ng malungkot na sinapit ng SAF 44 ay matagumpay nilang napatay ang isa sa most wanted terrorist sa buong mundo.

Dahil dito sinabi ng Pangulo na dapat kilalanin ang kabayanihan ng SAF 44 at magsilbing inspirasyon ito sa iba pang mga pulis para gampanan ang kanilang tungkulin ng may katapatan, dedikasyon at pagmamahal sa bana.

Magugunitang tanging sina Senior Inspector Gednat Tabdi at Police Officer 2 Romeo Cempron lamang ang ginawaran ng medalya ng kagitingan noong 2016 na umani ng iba’t ibang reaksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?