46

Nov 3, 2017 @ 14:57

Sabwatan sa anomalya sa SSS, kakalkalin din ng PSE

Nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Philippine Stock Exchange (PSE) ukol sa umano’y pagsasabwatan sa anomalya ng mga miyembro nitong broker at apat na mataas na opisyal ng Social Security System (SSS).

Sinabi ni Roel Refran, chief operating officer ng PSE, na hindi nila maaring palagpasin ang alegasyon ng iregularidad laban sa kanilang mga broker.

Matatandaan na sinampahan ni SSS commissioner Jose Gabriel La Viña ng reklamong administratibo ang mga kapwa opisyal ng SSS na EVP Rizaldy Capulong, Equities Product Development head Ernesto Francisco Jr., Equities Investment Division chief Reginald Candelaria, at chief actuary George Ongkeko Jr.

Pinaratangan ang apat na ginamit para sa personal investments ang brokers para sa pondo ng SSS.

Ayon kay Refran, susuriin nila kung mayroong mali sa direktang pakikipagtransaksyon ng mga brokers ng SSS sa mga opisyal ng ahensya.

Una nang sinabi ni SSS chairman Amado Valdez na “conflict of interest” ang isyu laban sa apat nilang opisyal. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?