584
Sablay sa endgame, reresbak ni Yap
By

Sablay sa endgame, reresbak ni Yap

Sa loob ng 15 seasons ni James Yap sa PBA, hindi mabilang na clutch shots na ang pinakawalan niya para isalba ang team.

Pero nitong Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, kumabyos si Big Game James.

Napalakas ang panabla sana niyang step-back 3, tumama sa rim sabay sa pagkaubos ng oras at yumuko ang Rain or Shine sa Magnolia Pambansang Manok 94-91.

Ibinuhol ng Magnolia ang PBA Philippine Cup semifinals sa tigalawang laro, lalagutin sa Game 5 sa Cuneta Astrodome sa Miyerkoles.

Naiwan ng hanggang 80-59 sa dulo ng third ang Elasto Painters, pinangunahan ni Yap ang fight-back hanggang dumikit sa 92-91. Pero hindi niya nakumpleto.

Pagkatapos ng dalawang free throws ni Jio Jalalon 3 seconds na lang, nagmintis si Yap.

Pero hindi siya gaanong dismayado na sumablay.

“Ang nasa isip ko, no regrets,” ani Yap, tumapos ng game-high 24 points. “Naitira ko nang maayos. ‘Yun ‘yung naglalaro sa isip ko, na hindi na maibabalik. Mintis, pero alam ko sa sarili ko na naitira ko ng maayos.”

Nilista ng Magnolia ang first 8 points ng laro at hindi na naagaw ng Rain or Shine ang trangko.

“Naunahan kami, slow start kami,” dagdag ni Yap.

Ang positibo, lumaban pa rin ang Elasto Painters kahit naiwan ng 21. Hindi lang nakumpleto ang comeback.

“Buti nakabawi ‘nung bandang fourth quarter. I’m sure, kinabahan sila doon,” panapos ng dating two-time MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?