39

Oct 24, 2020 @ 12:07
By

Sablay sa DepEd module abot na sa 41

Sumampa na sa 41 ang nakitang mali sa mga self-learning module na nai-report sa Department of Education (DepEd).

Base kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, ilan sa mga pagkakamali na nasama sa module ay mga computational error at grammar.

“Ang gusto rin po natin bigyang diin ung napaka-glaring na error na na-ano po talaga ang DepEd. ‘Yung ostrich ay hindi pa rin po namin ma-locate. So I’ve been appealing to our media partners and friends to help us locate kung saan ito ginagamit,” lahad ni San Antonio.

Paliwanag din ni San Antonio, mayroon namang mga napansin na pagkakamali na hindi naman totoong sablay.

Bukod sa mga module, mayroon ding mga nagreklamo sa #ErrorWatch ng mga kamalian din sa mga in-upload na lesson sa Youtube.

Naglabas naman ng errata ang DepEd para sa mga naturang mali sa module.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?