572

Sep 27, 2020 @ 21:12
By

Sabit sa scandal: MLBB shoutcaster Shin Boo kunsintidor ng manyakis

Nag-viral ang post ng isang eSports streamer matapos nitong ilantad ang nangyaring sexual harassment sa kanya ng dating boyfriend matapos ikalat ang private video nila sa mga indibiduwal sa gaming scene.

Sa post nitong Sabado ni Em Dangal, o mas kilala bilang ‘Kaisaya’, binulgar nito ang pagpapakalat ng kanilang video ni Aron Laxamana, ex-dyowa nito, sa eSports shoutcaster na si Zeus Torquator.

Pebrero 2019 ay nagtungo si Dangal sa Camp Crame para maghain ng kaso, ngunit nabigong makamit ang hustisya dahil isang tao ang umayaw para maging testigo sa sexual harassment na ginawa nina Laxamana at Torquator.

Ang naturang testigo sana ay si Shin Boo Ponferrada, isang sikat na shoutcaster sa larong Mobile Legends: Bang Bang.

“I did not get justice. Why? Because the last testifier I needed for the judge to proceed with the case against Zeus (suspect’s accessory) and my ex-boyfriend, Aron (suspect), said no. Just one last testifier who asked and received a copy of my video from Zeus, Shin Boo Ponferrada, denied standing up for justice,” saad ni Dangal.

“Leading to it is the question why he did not stand up for justice. Kakuntsaba ba sya? O may tinatago? He could have saved a life. I was left to cry every day and night, especially when my anxiety gets triggered,” aniya pa.

Naglabas naman ng pahayag si Shin Boo sa kanyang Facebook account, at hindi nito dineny ang akusasyon ni Kaisaya.

“It was a lapse in judgement on my part years ago,” saad ng MLBB shoutcaster. “And regrettably, choosing something I thought was bigger than justice.”

Bumuhos ang suporta ng eSports community para kay Em at inuudyukan ang ibang biktima ng sexual expoitation na magsalita.

Sinuspende na ng studio na Luponwxc si Zeus, habang si Shin Boo ay patuloy pa rin sa kanyang trabaho sa Mobile Legends Professional League (MPL).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?