5

By

Sabihin mo address mo, pupuntahan kita – Luis sa basher ni Jessy

Sharing is caring!

Handang personal na harapin ni Luis Manzano ang isang basher ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola matapos itong ulanin ng mga hate comment sa Instagram post ng TV host.

Nag-birthday si Jessy noong Disyembre 3 kung saan binati ito ni Luis sa kanyang Instagram account, nguni biglang nag-init sa ulo matapos makita ang comment ng isang netizen.

“Sana masaya ka sa pag uungkat ng nakaraan. Move on, girl! Kawawa ‘yung taong wala naman talagang may kasalanan. Dinamay mo pa si JM at Enrique Gil sa pagkaka depress mo. Kasalanan mo naman ang lahat. Ahas. Starlet. Flop Queen. Pumayat nga pero mabaho pa rin,” saad ng basher.

Ang nasabing comment ay patungkol sa panayam kay Jessy kung saan kanyang inilahad na siya’y na-depress at nagtangka pang mag-suicide dahil sa plane harassment issue kay Enrique Gil.

Kaya naman napabalikwas si Luis sa kanyang komento.

“Huwag nagmamarunong kung walang alam sa lahat ng pangyayari, panindigan mo naman ang mga sinasabi mo, DM mo ako details mo. Promise bibigyan kita ng chance sabihin lahat ‘yan harap-harapan.”

Kinorner pa lalo ni Luis ang nasabing basher, na hindi nagre-reply matapos iwan ang hurtful comment.

“Waiting sa DM ha, promise, ‘di ko ilalabas details mo pero ako mismo pupunta, Sent you a DM, details please… May lakad pa ako now, details please saan ka puwede puntahan,” saad pa ni Manzano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?