344

Jan 10, 2022 @ 16:38
By

‘Sabi na mukha akong lalaki’: Pokwang napagkamalang lalaki ng ina

Nagkwento ang komedyanteng si Pokwang nang minsan siya mapagkamalang lalaki ng kaniyang ina.

May dementia kasi ang nanay ng komedyante kaya hindi umano siya nito nakikilala.

Aniya, “Wowowee” ang tawag sa kaniya nito dahil mataandaang naging co-host siya sa nasabing palabas.

“Wowowee! Wowowee! Ha-hahaha! Pag nakikita niya ako, ‘uy Wowowee!’ Hi, Kuya (Willie Revillame),” kwento ni Pokwang sa vlog ng kaibigang si Ogie Diaz.

Tuwing nakikita raw siya ng ina ay “Wowowee” ang tawag sa kaniya nito.

“Nu’ng time na may dementia na siya wala ng Wowowee, eh. Pero pag nakikita niya ako, ‘huy Wowowee, nandito ka?” ani Pokwang.

Tanong naman ni Ogie: “Ah, hindi bilang anak kundi bilang si Pokwang sa Wowowee?”

Sagot naman ni Pokwang: “Oo sabi niya ‘Wowowee nandito ka, may sopas diyan.’ Alam niyang paborito ko ang sopas.”

Naiiyak umano si Pokwang dahil hindi na malambing sa kaniya ang ina dulot na rin ng nasabing sakit nito.

“Hindi na kasi siya ‘yung nanay ko dati na alam mo ‘yun na nilalambing ka. Kasi one time niyakap ko ‘yan na meron na siyang dementia. Gusto ko lang yakapin para tignan ko magiging reaksyon niya, humiga ako sa dito (sa binti), ‘huy doon ka, bayaw kita di ba?’ Sabi ko na nga ba mukha akong lalaki, eh!” pagbibiro pa nito.

(Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?