47

Oct 24, 2019 @ 10:18
By

Sabete, PetroGazz nginuya ang Choco

Sa likod ng 15 puntos ni Jonah Sabete muling kinain ng PetroGazz ang walang Maddie Madayag na Choco Mucho, 25-18, 25-21, 25-18, sa wakas ng 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Kinolekta ng Angels ang ikatlong ragasa para sa 12-4 kartada at sakupin ang segunda, pinasadsad ang Flying Titans sa ikaapat na iyak at tumapos na pampito sa midseason indoor women’s volleyfest sa 6-10 rekord.

“Kung ano yung ginawa namin sa training, ipakita lang or dagdagan pa saka maging masaya lang talaga,” ani Sabete na nakakuha ng panalo kahit wala si coach na si Arnold. “Durugin yung kalaban, as in durugin talaga kung kaya.”

Balewala ang 20 points para sa Choco ni Katrina Mae. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?