76

Oct 5, 2019 @ 18:06
By

Sabete, Gazz nagningas

Patuloy ang pananagasa ng PetroGazz Angels matapos silang akbayan nina Jonah Sabate, Cherry Nunag at Jovie Prado sa 25-15, 20-25, 14-25, 25-13, 15-6 panalo kontra Pacific Town Army Lady Troopers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference ngayong araw sa University of San Agustin Gym sa Iloilo.

Nalagay sa alanganin ang Angels nang mamuro sa pagsilo ng panalo ang Lady Troopers subalit nagtulungan sina Sabate, Nunag at Prado para makahirit ng deciding fifth set.

Hindi na pinaporma ng PetroGazz ang Pacific Town Army sa fifth frame, humarurot agad ang Angels sa simula para hatawin ang pang-walong sunod na panalo.

Nagtala si Prado ng 14 points mula sa 12 spikes at dalawang service aces habang kumana sina Nunag at Sabate ng 13 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Lumakas ang kapit ng Angels sa No.2 spot bitbit ang 9-2 record habang nanatiling nasa tuktok ang Creamline Cool Smashers na may malinis na 11 panalo.

Mga laro sa Linggo/Oktubre 6:

(FilOil Flying V Center)

4:00pm — Chef’s Classics vs BaliPure

6:00pm — Motolite vs Air Force

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?