64

Oct 24, 2019 @ 15:33
By

Sabete banas sa Creamline

Kung papalaring makalusot kontra BanKo Perlas sa best-of-three semifinals, nais ni PetroGazz open hitter Jonah Sabete na makasagupa sa championship series ang tigasing Creamline Cool Smashers.

“Siyempre Creamline. Kasi wala pa silang talo ngayon at saka ang hirap din nilang kalabanin,” pahayag ni Jonah.

Nakatunggali na nila ang Cool Smashers sa 2019 PVL Reinforced Finals kung saan ay tinibag nila ang Creamline, 3-1, kaya umaasa ang 5’6 spiker na makatunggaling muli ang powerhouse team.

“Yun pinakamahirap talaga,” wika ni Sabete matapos masungkit ng Creamline ang 16-0 elimination.

“Yes mas maganda kung may challenge talaga.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?