44

Oct 26, 2019 @ 14:23
By

Sabete, Angels isasara ang BanKo

Muling ibubuhos ni Jonah Sabete ang tikas upang madalawahang sunod ng PetroGazz ang BanKo sa pagsambulat ngayong Sabado ng 3rd PVL Open Conference 2019 best-of-3 semifinals sa FilOil Flying V Centre.

Pumalo si Sabete ng 14 points sa likod 12 spikes at 12 excellent receptions sa huling pakikipagbakbakan at nilantakang Choco Mucho sa straight sets sa rolyo ng round 2 elims nitong Miyerkoles.

Aasahan din ni coach Arnold Laniog si Jovielyn Prado sa key players ng Angels tapos ng 12 markers, 13 excellent digs at 11 excellent receptions sa last game.

“Siguro patibayan na lang talaga ito kasi yun nga ‘di lang talaga din sa katawan laging sa isip na rin naman ng bawat isa,” ani Sabete. “Madaling isipin na pagod pero mas nadadaig kasi yung ano namin ngayon e yung samahan talaga na eagerness na makuha yung [kampeonato] this conference.”

Handa namang almahan sina Sabete at Prado nina Dzi Gervacio at Kathy Bersola sa alas-4:00 ng hapong paluan para makabawi sa huling taob sa PG sa 2nd round tapos nilang maunahan ito sa elims.

Sa alas-2:00 tokang magsabunutan ang defending champion Creamline, Motolite sa sariling race-to-2 win series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?