14

By

Sabayan ng love ang paggunita sa Ash Wednesday – Archbishop Villegas

Sharing is caring!

MAKALIPAS ang mahigit sa 70 taon muling nagkasabay ang paggunita ng Ash Wednesday at Valentine’s Day.

Sa mensahe ni Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas sinabi nito na dapat nang mabago ang kahulugan ng pag ibig lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Aniya ngayon Araw ng mga Puso ay dapat pagnilayan ng lahat ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Iginiit nito na ang tunay na pag ibig ay ginawa ni Hesus Kristo, ang pagpapako nito sa Krus para maisalba ang sanlibutan sa kasalanan.

Aniya dahil natapat ang Valentine’’s Day sa Ash Wednesday, makakabuti kung sasabayan ang pagmamahalan ng paggunita sa mga aral ng Kuwaresma.

“Let us relocate love from romanticism to heroism. Let us move our gaze from Cupid with his arrow to Jesus Christ on the cross. Let us move from cheap love to true love,” ang bilin pa ni Villegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?