34

Jul 26, 2022 @ 18:38
By

Sabay sa anibersaryo ng Olympic gold: Hidilyn Diaz ikinasal na

Espesyal ang Hulyo 26 para kay Hidilyn Diaz.

Ito’y dahil sa Hulyo 26, 2021 ay naiuwi niya ang unang Olympic gold ng Pilipinas. At isang taon matapos ito ay araw naman ng kanyang kasal.

Si Hidilyn ay ikinasal sa kanyang coach na si Julius Naranjo ngayong Hulyo 26 sa Baguio City.

Bongga ang naging selebrasyon dahil sa mga bisita, na pinangungunahan ni ex-VP Leni Robredo, ex-senator Manny Pacquiao, POC president Bambol Tolentino, PBA chairman Ricky Vargas, Dr. Vicki Belo, Bo Sanchez, Ramon Ang, at Manny Pangilinan.

Naroon din at parte ng entourage sina Angel Locsin, Judy Ann Santos at Iza Calzado. Umawit din sa kasal si Regine Velasquez.

Ibinahagi ng ilang personalidad ang mga wedding photo nina Hidilyn at Julius sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?