5
yankees
By

Sabathia, Yankees babawian ang Astros sa World Series

Sharing is caring!

May asim pa ang mga pukol ni veteran lefty CC Sabathia, sinuwerte ang bat ni cathcher Gary Sanchez at naligtasan ng New York Yankees ang Los Angeles Angels 2-1 Linggo ng gabi.

May malaking baon na nine straight wins ang Yankees sa pagdayo sa Houston para hamunin sa apat na laro ang World Series champions Astros. Itinakbo ng Astros ang Games 6 at 7 ng ALCS (American League Championship Series) para ilaglag ang Yankees sa biyahe sa World Series.

Sa loob ng seven innings, nalusutan ng one run si Sabathia, nagbigay ng five hits, may one walk at naka-strike out ng apat. Iisang earned run pa lang ang binibigay ng 37-anyos na pitcher sa tatlong starts sapul nang bumalik mula hip injury.

“Obviously, the offense is a big story for us, but we’re not doing this without the starting pitching we’ve been getting,” papuri ni Yankees manager Aaron Boone sa kanyang beterano.

Nasingitan si Sabathia nang maka-double si Ian Kinsler sa third. Nakarating hanggang third base si Kinsler sa throwing error ni shortstop Didi Gregorius, pero hindi na nakaabante dahil grounded out si Justin Upton na tumapos sa inning.

Sa fourth, pinalipad ni Sanchez ang pitch ni Tyler Skaggs patungo sa stands sa kaliwa para sa 2-0 lead ng Yankees.

Umiskor si Upton sa sixth para ilapit ang Angels 2-1, pero na-strike out ni Chad Green si Zack Cozart sa eighth, isinara ni Aroldis Chapman ang panalo nang ma-strike out din sina Rene Rivera at Kinsler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?