15

By

Sabak na sa training, James nagpakondisyon

Sharing is caring!

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakita rin ang anino ni LeBron James sa bakuran ng Los Angeles Lakers matapos nitong sumabak sa pagsasanay ng tropa sa kanilang training facility sa University of California – Los Angeles (UCLA).

Sa mga larawan na inilabas ng LA Lakers sa kanilang Twitter account, halatang maganda pa rin ang kondisyon ng katawan ni James kahit may ilang buwan pa bago magbukas ang panibagong season ng NBA.

Sumabak si James sa ilang drills kasama ang mga staff ng Lakers maging ang ilang batang players ng koponan na sina Brandon Ingram at Kyle Kuzma.

Matatandaan na ginulat ng four-time MVP ang basketball fans sa mundo matapos nitong pumirma ng apat na taong deal sa LA Lakers.

Kamakailan lang ay nag-post ito ng mga larawan niya sa Instagram habang suot ang kanyang Lakers jersey. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?