1,005

Dec 1, 2021 @ 15:30
By

Sab Pambansang Pantasya

Mapangahas ang bagong Viva Artist na si Sab Aggabao . Ilulunsad siya bilang Pambansang Pantasya ng Vivamax via ‘Pornstar2 :Pangalawang Putok.’ Siya ang pinakabunso at pinasariwa na na-recruit sa naturang pelikula na mapapanod sa December 3 sa Vivamax.

Nakapasa pala si Sab bilang title role sa ‘Anak ng Burlesk Queen’.Siya diumano ang napili ni direk Joel Lamangan at mega producer Joed Serrano na magbida sa nasabing movie.

“Yes! Nakuha po ako pero hindi na po ako tumuloy noong pumirma na ako ng contract sa Viva. Maganda sanang simula po yun sa career. Pero thank you po ako kay direk Joel dahil ako po ang pinili niya at kay Sir Joed Serrano. Wala naman po ako regrets but I’m happy na nag-try akong mag -audition, “ deklara niya.

Sino naman ang showbiz crush niya?

“Sina Paulo Avelino at Piolo Pascual. Kung tinitingnan ko sila, okey guwapo sila,” pakli ng dalaga.
Sey pa niya, bet daw niya sa lalaki ang ‘yung nasa edad 30’s. Ayaw niya sa mga bagets.

Sobrang suwerte ni Sab dahil kahit pandemya ay tatlo ang pelikula niya sa Viva. Bukod sa Pornstar2, kasama siya sa ‘Crush Kong Curly,” at “Eva”.

Puwede siyang i-follow sa Sab Aggabao Facebook Page, sa Instagram ay realsabaggabao at sa TikTok sabaggabao05.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?