74

Oct 18, 2019 @ 12:38
By

Saan ilalagay? Roque posibleng ibalik sa Duterte admin

Posible umanong mabigyan muli ng puwesto sa gobyerno ang dating tagapagsalita ng Malacañang na si Harry Roque.

Sa Twitter post ni Roque ay kasama niya sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go at Presidential Spokesman Salvador Panelo at may caption na “best birthday gift ever!”.

Si Roque ay nakatakdang magdiwang ng kanyang 53rd birthday sa October 21.

Nagkita sina Roque at ang Pangulo sa isang aktibidad sa Manila Hotel nitong Huwebes ng gabi at bago magsimula ang programa ay nagkaroon umano ng private meeting ang dalawa.

Matatandaang nag-resign si Roque bilang Presidential Spokesman matapos magpasyang kumandidato sa pagka-senador subalit kalaunan ay umatras dahil sa problema sa sakit sa puso.

Hindi naman sinagot ng dating opisyal kung ibabalik siya sa dating puwesto .

Isa sa dahilan nang pag-atras ni Roque noong May elections ay ang problemang pangkalusugan nito dahil sa matinding stress at pinagpapahinga muna ng kanyang doctor matapos sumailalim sa angioplasty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?