190

Jan 8, 2021 @ 13:54
By

Sa wheelchair galing mga pasa ni Dacera – suspek

Mariing iginiit ng isa sa mga suspek na sa pananakit nila nagmula ang mga pasa ni Christine Dacera at sinabing posibleng nakuha ito sa wheeelchair na ginamit para ibaba ang dalaga mula sa kanilang hotel room pababa sa lobby.

Ayon ito kay Valentine Rosales na isa sa mga pinaghihinalaang sangkot sa pagkamatay ni Dacera.

Kuwento niya, nahirapan umano silang buhatin si Dacera mula bathtub ng kanilang kwarto kung saan nakita ang dalagang wala ng buhay.

“For the bruises, feeling ko ah, ‘yung sa legs, tumawag si Gigo ng medic tapos ‘yung wheelchair na kinuha nila… walang leg assist, ‘yung wheel lang tapos upuan lang. Noong time na ‘yun warm pa siya [Dacera], blackish ‘yung lips niya,” ani Rosales sa isang press conference kahapon, Enero 7.

“Tapos ako naman, binuhat ko siya papunta sa wheelchair pero hindi maayos parang naka-slouch siya, naka-stretch ‘yung legs. Tapos sinasabi eh wala ngang leg assist kailangan may nakahawak sa paa niya. Naiipit ‘yung legs niya sa may sidebars ng wheelchair,” dagdag pa niya.

Kaugnay ito sa sinabi ng mga pulis na nagkaroon daw ng foul play sa pagkamatay ng 23-anyos at ginahasa umano ito ng kanyang mga kaibigan.

Nauna nang iginiit ni Rosales na hindi nila ginahasa ang flight attendant dahil bakla raw ang lahat ng nakasama ng dalaga sa party.

Binigyang-diin pa nito kung pano nila inalagaan ang dalaga noong lasing na lasing na ito.

Kasalukuyan nang nasa General Santos City ang mga labi ni Dacera habang patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?