116

Nov 13, 2019 @ 15:33
By

Sa wakas! NBA mapapanood ulit sa Philippine free-to-air TV

May pansamantalang tahanan na ang National Basketball Association (NBA) sa Pilipinas.

Maipapalabas na ulit sa Philippine free TV ang mga laro sa liga simula Nobyembre 16 sa CNN Philippines.

Tuwing weekends mapapanood ang mga laro sa nasabing channel, at kung mas nais ang full coverage sa NBA ay maaaring kumuha ang mga Pinoy fan ng NBA League Pass.

Ito ang ilan sa mga larong ipapalabas ngayong Nobyembre.

Sabado, Nov. 16, 11:30 a.m. – Boston Celtics @ Golden State Warriors

Linggo, Nov. 17, 8:00 a.m. – Milwaukee Bucks @ Indiana Pacers

Sabado, Nov. 23, 11:30 a.m. – Houston Rockets @ L.A. Clippers

Linggo, Nov. 24, 10:00 a.m. – New Orleans Pelicans @ Utah Jazz

Sabado, Nov. 30, 10:00 a.m. – Dallas Mavericks @ Phoenix Suns

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?