119

Nov 26, 2021 @ 21:29
By

Sa wakas! Jennylyn, Dennis magkakababae na

Natupad ang dasal nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa gender ng kanilang baby.

Sa vlog ni Jennylyn, isiniwalat na magkakaroon na sila ng baby girl!

“Noon pa lang, gusto talaga namin ni Jen na magkaroon na ng baby girl kasi siyempre ‘yung mga anak namin puro lalaki,” sey ni Dennis.

Makikita sa vlog ang kanilang mga bisita na kumain ng maliit na cake na hugis paso.

Habang kinakain nila ito, lumabas sa ilalim ang pink chiffon, na ang ibig sabihin ay babae ang parating na baby ng JenDen.

“Sa wakas magkakababae na tayo!” masayang mensahe ng aktres.

Ikinasal sina Jennylyn at Dennis sa isang civil ceremony noong Nov. 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?