83

Jul 26, 2021 @ 21:16
By

Sa wakas! Diaz binigay unang Olympic gold ng Pinas

Umukit ng kasaysayan sa Philippine sports si weightlifter Hidilyn Diaz matapos iuwi ang gintong medalya sa women’s 55 kilogram division sa Tokyo Olympics.

Naitala ni Diaz ang 97kg sa snatch at sinamahan pa niya ito ng Olympic record na 127 kg sa clean and jerk upang masiguro ang tagumpay.

Sa kabuuan ay 224kg ang naitala ni Diaz na isa ring Olympic record.

Inungusan lamang niya ng isang kilo ang silver medalist mula sa China na si Liao Qiuyun.

Hindi binigo ni Diaz ang mahigit 110 milyon Pilipinong umaasa sa ginto.

Naghihintay sa 30-anyos mula sa Zamboanga City ang cash prize ng pamahalaan na P33 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?