54

By

Sa wakas! Carmelo Anthony may team na sa NBA

Makalipas ang lampas isang taon, makakasalang na ulit sa NBA hardcourt ang 10-time NBA All-Star na si Carmelo Anthony.

Ayon sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, pipirma ng non-guaranteed contract si Anthony para sa Portland Trailblazers.

Sa 17 taon ni Melo sa NBA, nag-average ito ng 24.0 points, 6.5 rebounds at 4.8 assists, natigil sa paglalaro matapos ipamigay ng Houston Rockets sa loob lamang ng 10 laro.

Ayon kay Bobby Marks ng ESPN, $14,490 kada laro ang magiging salary ni Anthony para sa Blazers, na nasa ilalim ng Western Conference standings sa 4-8 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?