110

Mar 1, 2020 @ 14:58
By

Sa Villar’s All Day, overpriced ang baboy, manok

‘Di sumusunod sa suggested retail price (SRP) ng baboy at manok ang All Day Supermarket na pag-aari ng pamilya nina DPWH Secretary Mark Villar at Senador Cynthia Villar.

Sa All Day Supermarket sa Starmall Alabang, P279 ang isang kilong pigue at P295 per kilo naman ang baboy kung hiwa na at nasa P150 per kilo naman ang manok.

Ang Starmall Alabang, na dating sementeryo na terminal na ngayon ng mga PUB/PUJ, ay pag-aari rin ng mga Villar.

Lampas-lampas ito sa tinakdang SRP ng Department of Agriculture (DA) na P190 kada kilo para sa pigue at kasim ng baboy at P130 kada kilo para sa manok o whole dressed chicken.

Nag-ikot sina DA Secretary William Dar, Trade Secretary Ramon Lopez, at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año nung nakaraang linggo sa Nepa Q Mart.

Ayon kay Dar, mahalaga ang team effort para mapatupad ang SRP sa mga agricultural product.

Dalawang tindahan sa Nepa Q Mart ang pinagpapaliwanag ng DTI sa hindi pagsunod sa SRP. Binigyan sila ng 48 oras para magpaliwanag.

Ang ama ni DPWH Secretary Mark Villar, si Manny Villar, ang tinuring na pinakamayamang tao sa Pilipinas ng Forbes magazine matapos pumanaw si Henry Sy Jr. na may ari ng SM, BDO, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?