95

Mar 8, 2020 @ 15:33
By

Sa TikTok lang magaling! DOH sinermunan ng mga netizen

Imbes na makisali sa TikTok fever, ilaan dapat ng Department of Health (DOH) ang oras sa pagsugpo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Himutok ito ng ilang netizen na hindi natuwa sa nilabas na TikTok video ng ahensiya.

Sa #covidance challenge, dinaan ng DOH sa sayaw ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga protective measure laban sa COVID-19.

Giit ng ilang netizen, napupunta ang pera ng mga Pilipino sa walang katuturang pagsayaw imbes na sa mga testing kit para malaman kung nahawa ang isang tao sa virus o hindi.

@hey_its_marvin: “Dami nyong time! Testing ang kailangan ng mga Pilipino hindi tiktok!”

@tap2continue: “tangina, imbes na gumastos para sa testing kit.. dito pumunta ang pera ng taong bayan….”

@OnPogi: “Ang insensitive naman, dami na namatay tapos gagawan ng DANCE CHALLENGE?!”

@TheShiningRm237: “Dyan lang kayo magaling! Yan na ba ung pinprepare nyo imbes na gumawa ng test kits?!”

@willtellstories: “Ni hindi natin alam ang tamang stats ng apektado ng covid tapos nagtitiktok pa kayo? Parang walang nangyayari a. Parang natri trivialize covid.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?