64

Jun 1, 2020 @ 10:19
By

Sa tao dapat! Cayetano yuko kay Duterte

Kinuwestiyon ng marami ang pahayag ni Senador Pia Cayetano na masaya siyang manilbihan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod kay Duterte, pinasalamatan din ni Cayetano sina Senador Bong Go at ang pamunuan ng Department of Health sa pangunguna ni Secretary Francisco Duque III, at mga resource person sa pagtalakay ng 2 niyang health bill.

Sambit ng senador, pinakita umano ng Pangulo na nakatutok ito sa kapakanan at kalusugan ng mga Pilipino.

“Finally, I am happy to be serving under our President, who has shown that he is definitely much dedicated to ensure the health & welfare of Filipinos,” tweet ni Cayetano, Mayo 31.

Pagtatama naman ng mga kritiko, ang dapat pagsilbihan ng senador ay ang mga mamamayang Pilipinong naghalal sa kanya sa puwesto at nagpapasahod sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?