74

Dec 20, 2017 @ 16:37

Sa tagumpay ng ‘Kita Kita’, Piolo type ulit mag-produce ng movies

Plano ni Piolo Pascual na mag-produce pa ng maraming pelikula sa susunod na taon matapos ang tagumpay ng low-budget movie na ‘Kita Kita’.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Piolo na mayroon na siyang dalawang movies na ginagawa kabilang na ang ‘Meet Me in St. Gallen’ na pagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino.

Direktor nito si Joyce Bernal na kasalukuyang kinukunan sa Switzerland.

Producer din umano si Piolo ng pelikula na ‘Marawi’ ni Robin Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?