38

Jul 13, 2021 @ 18:03

Sa Susunod na Habang Buhay’ ng Ben&Ben hakot awards

Humakot ng parangal sa 2021 Canadian Cinematography Awards ang music video ng awiting ‘Sa Susunod na Habang Buhay’ ng bandang Ben&Ben.

Inuwi ng banda ang Best Song, Best Music Video at Best Music Video Cinematography.

“We just learned that “Sa Susunod Na Habangbuhay” won 3 awards at the 2021 Canadian Cinematography Awards (Best Song, Best Music Video and Best Music Video Cinematography)!” pahayag ng banda sa kanilang official Facebook page.

Mayroon na ring 10 milyon views sa YouTube ang music video na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Congrats sa ‘tin, Liwanag! Thank you for helping us reach our dreams. We’ll keep working hard for you,” dagdag pa ng Ben&Ben.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?