49

May 5, 2020 @ 10:25
By

Sa QC, pila para sa ayuda umabot ng hatinggabi

Tinawag ng madla ang atensiyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos masaksihan ang mahahaba at magkakatabing pila ng mga residente para makatanggap ng tulong-pinansiyal, kahit pa hatinggabi na.

Sa mga kuhang video at larawan ni ABS-CBN journalist Jervis Manahan, lampas hatinggabi ng Mayo 5, makikitang kalat-kalat ang higit 9,000 benepisyaryo ng social amelioration program sa Commonwealth High School.

Sa isa pa niyang larawan, tanaw ang magkakalayong upuan at ang bahagyang magkakalapit na mga residenteng tumatanggap ng ayuda, 12:30 ng madaling araw.

Bagaman naka-face mask ay walang 1-metrong pagitan sa isa’t isa ang mga residente, na karamiha’y mga manggagawa na nawalan ng pagkakakitaan habang may anti-coronavirus lockdown.

Himutok ng mga netizen, “hindi makatao” ang insidente at kinwestiyon kung bakit ‘di nagawang ihatid sa mga kabahayan ang SAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?