128

By

Sa pagsungkit kay Davis, Lakers manok ng mga sugalero sa 2020 NBA Finals

Hindi pa man nagsisimula ang 2019-20 NBA season, tantsa na ng ilang oddmaker na muling babalik ang Los Angeles Lakers sa tuktok ng liga.

Ilang sandali lang matapos makuha ng Lakers si Anthony Davis, ibinigay sina Josh Hart, Brandon Ingram at Lonzo Ball, pati na rin ang tatlong first round draft pick sa New Orleans Pelicans, bigla ring nagbago ang tayaan sa Las Vegas kaugnay kung sino ang magkakampeon sa susunod na season.

Sa sportsbook ng Caesars, akyat ang odds ng LA sa +350, ang pinakanamumurong magkampeon sa Finals sa susunod na season.

Ang Milwaukee Bucks at LA Clippers naman ay nasa +600, samantalang ang kaka-champion lang na Toronto Raptors at Houston Rockets ay itinakda sa +800.

Samantala, bumababa naman ang odds ng Golden State Warriors, 14-1 para sa $10,000 na taya ayon sa SuperBook.

[Golden State] is now [Stephen] Curry and Draymond [Green] without much else,” ayon kay Caesars head of risk Jeff Davis. “There has been almost zero interest in them in the future market so far, so we made the decision to raise them and lower others.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?