37

Oct 24, 2017 @ 14:29

Sa Oplan Greyhound: 516 cell phones winarak

Umaabot sa 516 na iba’t ibang uri ng cell phone na nakumpiska sa magkakaibang kulungan sa Metro Manila ang winarak kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang national headquarters sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Kabilang sa winarak ang iba’t ibang gamit tulad ng charger, disposable lighter at sigarilyo na nakumpiska sa sunud-sunod na Oplan Greyhound sa mga piitan.

Isinagawa ang pagsalakay sa mga bilangguan upang matiyak na walang kontrabando sa loob ng mga piitan na maaaring magamit at makapanakit sa ibang preso.

Tinawag ng BJMP na “Oplan Linis Piitan” ang pagsalakay sa mga kulungan upang matiyak na walang makakapasok na droga, marijuana, patalim, baril at iba pang armas.

Pinadaanan ng pison ang mga winarak na gamit upang hindi na mapakinabangan.

Ayon sa mga opisyal ng BJMP, magpapatuloy sa susunod na mga araw ang isasagawa nilang Oplan Greyhound upang masawata ang pagpasok at paggamit ng mga kontrabando sa mga piitan sa bansa. (Dolly Cabreza/Trainee-Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?