48

Oct 18, 2017 @ 16:27

Sa NoKor nuke threat: Mga Pinoy sa Hawaii pinaghahanda

Malabo pero posible.

Ganito isinalarawan ng mga opisyal ng Hawaii sa Filipino community ang banta ng nuclear missile ng North Korea (NoKor).

Base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Philippine Consulate General ang nag-organisa ng presentasyon ng Hawaii Emergency Management Agency (HEMA) kaugnay sa banta ng NoKor sa nasabing lugar nitong Oktubre 10.

Hinimok nina HEMA Administrator Vern Miyagi at Hawaii National Guard Adjutant General Arthur Logan ang mga Filipino na dumalo sa presentasyon na manatiling laging handa sa posibilidad na totohanin ang banta.

Pinayuhan din sila na agad magtago sa mga gusali kapag narinig ang attack warning siren at maghintay ng hanggang 15 minuto bago ang pagsabog ng missile.

Pinaghahanda rin sila ng disaster kit na tatagal ng hanggang 14 araw. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?