14
abante-tnt-vismin-kim-dy-marck-espejo
By

Sa ngalan ng career, Dy, Espejo maglalayo

Sharing is caring!

Nakahanda ang girlfriend ni five-time UAAP MVP Marck Espejo na si dating La Salle Lady Spiker Kim Dy na mawalay sa piling ng isa’t isa.

Halos pitong buwan mawawala si Espejo upang sumabak sa V1 League sa Japan para sa Oita Miyoshi Weisse Adler at todo suporta si Dy sa kanyang kasintahan.

“I’m super proud of him, because I think it’s the first time that a Filipino is going to play [in the Japanese league], and is considered to be an import. Super proud of him. He’s making his mark internationally so I’ll support him and maghihintay lang ako dito,” saad ni Dy sa panayam sa ABS-CBN sports.

Kumpiyansa naman ang 21-anyos na si Espejo na mananatiling matatag ang relasyon nilang dalawa.

“Syempre supportive naman siya and alam niya naman na ito talaga yung gusto ko. And alam ko naman na pupuntahan niya ako dun,” ani ni Espejo.

Magsisimula ang karera ni Espejo sa Japan sa Setyembre habang inaabangan pa kung saan maglalaro si Dy na kakagaling lang sa impresibong season upang makuha ang three-peat ng DLSU Lady Spikers sa UAAP Season 80 ngayong taon. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?