32

Oct 19, 2021 @ 12:47
By

Sa ngalan ng angkan: Erpat sinunog 2 anak na bebot

Sinunog ng isang lalaki ang kanyang dalawang anak na babae kasama maging ang mga apo nito sa Pakistan dahil ang pinakasalan ng isa sa mga bebot ay hindi ayon sa arranged marriage.

Kinilala ang suspek na si Manzoor Hussain.

Ayon sa ulat ng The Sun, ang mga sinunog ni Manzoor ay ang dalawang anak na sina Khurshid Mai, 35-anyos, at Fauzia Bibi, 19-anyos, na magkasamang nakatira sa iisang bahay kasama ang kanilang mga sariling pamilya.

Nag-ugat umano ang galit ni Manzoor sa anak na si Fauzia 18 buwan na ang nakakaraan nang magpakasal ito kay Mehboob Ahmad nang hindi dumaan sa arranged marriage. Nagpakasal umano sina Fauzia at Mehboob dahil sa kanilang pagmamahalan.

Bukod sa dalawang babae, nasawi din sa sunog ang apat na taong gulang na anak nina Fauzia at Mehboob. Patay din ang tatlong anak ni Khurshid na edad 13, anim, at dalawa.

Ang isa pang namatay ay pinaniniwalaan na kapatid ni Manzoor.

Samantala, si Mehboob ay ligtas sapagkat wala siya sa kanilang tahanan nang mangyari ang krimen.

Ayon sa datos ng Human Rights Watch noong 2019, nasa 1,000 ang mga ‘honor killings’ na nagaganap sa Pakistan kada taon.

Ang honor killings gaya ng ginawa ni Manzoor ay ang aksyon laban sa mga babae na nagdala ng kahihiyan sa kanilang pamilya. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?