73

Jul 4, 2022 @ 19:28
By

Sa napipintong food crisis: PBBM pinatataasan produksiyon ng bigas, mais, baboy, manok

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapalakas at madagdagan ang produksiyon ng bigas, mais pati na rin ang baboy at manok dahil sa nakaambang krisis sa pagkain sa bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulo matapos pangunahan ang Executive Commitee Meeting ng Department of Agriculture sa Quezon City nitong Lunes ng Umaga.

Ayon sa Pangulo, kailangang mapataas ang produksiyon ng pagkain para matugunan ang napipintong food crisis sa bansa sa susunod na mga buwan.

Naghahanda na aniya ang ibang mga bansa sa napipintong krisis sa pagkain kaya dapat na tutukan ito ng gobyerno para hindi malagay sa alanganin.

“We have to attend to the impending food crisis that it seems it will be visiting us in the next two quarters, and when we look around the world, everyone is preparing for it. And therefore, we because we are already in a disadvantageous position in terms of food supply, we are already in a disadvantageous position ,we should really pay a very close attention to what we can do. I think what we have conclusions we have come to here are that, we have to increase our production. We can increase our production of rice and corn at least, and hopefully, I dont know if we have enough time pati sa problema ng livestock ng baboy at saka manok,” anang Pangulo.

Kailangan aniyang matiyak na may sapat na pagkain ang mga tao, at masigurong kayang bilhin ng mga ito dahil balewala rin kung hindi kayang bilhin ang mga ito.

“We have to think very hard about making sure that people have sufficient food at the price that they can afford. Its useless to have food if they cannot afford it anyway,” dagdag ng Pangulo.

Mahalaga rin aniyang magkaroon ng multi-year plan para sa reconstruction ng value chain ng bansa, simula sa mga scientist, researchers, hanggang sa Kadiwa Stores.

Sinabi ng Presidente na bagamat maganda ang modelo ng nagdaang administrasyon , iba aniya ang teknolohiya na ginamit, kaya’t mainam na gumawa ngayon ng bagong modelo o 2022 to 2028 to 2030 plan.

Tiwala si Pangulong Marcos na magagawa ito sa loob ng anim na taon basta matutukan ang mga nais nitong mangyari para sa kapakanan ng sambayanan.

“On the longer term, we need to come up with a multi-year plan to reconstruct our value chain, and that for me is the most important thing. We really have to reconstruct our value chain starting from our scientists and our researchers all the way to the kadiwa store, so we have to remake that model. We have a good model that was from a previous adminsitration but it is very different world out there. the technology is very different and although the concept will be very similar we have to come out with out 2022 to 2028 to 2030. do not be hesistant to make it multiyear. because I really don’t believe you can do this if you say one year or two years. even six years baka kulang. no we can do it in six years. We can do this in less than six years I am pretty sure,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?