1,180

Feb 25, 2020 @ 13:02
By

Sa Mexico, 10 babae pinapatay araw-araw

Isang babae ang pinapatay kada dalawa at kalahating oras sa Mexico.

Ibig sabihin, 10 babae ang nagiging biktima ng murder kada araw sa naturang bansa, ayon sa Executive Secretariat of the National Public Security System, sa ulat ng El Universal noong 2019.

Tuluy-tuloy din ang mga kaso ng “femicide” doon hanggang ngayong 2020. Ang femicide ang tawag sa sadyang pagpatay sa babae dahil lang sa kasarian nila. Karaniwang mga lalaki ang gumagawa nito.

Kaya naman, nanghihikayat ang mga Mexican na dumalo at makiisa sa gaganaping pambansang protesta (“Paro Nacional” sa wikang Spanish) sa Marso 9, isang araw matapos ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan.

Sa araw na iyon, balak nilang ‘wag pumasok sa paaralan o trabaho, hindi dalhin ang kanilang mga anak sa eskwela, at hindi bumili ng kahit ano.

Layon nilang maigiit ang pagkundena sa femicide at hindi pagkakapantay-pantay sa Mexico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?